Kanina, first time ko magpa-carwash. Dalawang linggo na ang sasakyan ko at ngayon ko lang naipalinis. Ang plano ko sana ako mismo ang maglilinis. Bumili na nga ako kanina ng car shampoo at ng brush. Pero nang lumabas ako para linisin ang sasakyan, ikinabit ko ang hose ng tubig sa tubo pero ayaw lumabas ng tubig. Siguro may kailangan pang pihitin na gripo para lumabas ang tubig pero hindi ko naman alam kung nasaan. Bale dinala ko na lang ang sasakyan sa gasoline station.
Nakapila kami doon at napansin ko na may machine para hulugan ng pera. Nabasa ko rin sa mga nakapaskil na iba iba pala ang options sa pagpapalinis ng sasakyan. May car shampoo, may car wax, at kung anu-ano pa. Puwede pa nga ipalinis ang ilalim. Ang kinuha ko ay yung kasunod ng car wax. Nakalimutan ko kung ano ang tawag pero mas upgraded yun kaysa sa car wax. 700 yen. Ipapalinis ko rin sana ang ilalim kaso wala na akong additional 300 yen na coins. May 5,000 yen bill ako pero 1,000 yen bill lang ang tinatanggap ng machine. Pinanood ko kung ano ang ginagawa ng kotse sa unahan ko at gagayahin ko na lang.
Nung sasakyan ko na ang lilinisin, may voice instructions naman pala kaya madali lang. Ipapasok mo lang ang sasakyan sa machine na pang-car wash at papatayin ang engine. Wala pang 5 minutes, malinis at makintab na ulit ang Nissan Moco ko.
Pagkatapos, pinalagyan ko na rin ng gasolina ang sasakyan. 3 bars pa naman pero mas gusto ko na laging may gas para hindi ako maubusan habang nasa daan. First time ko rin magpa-gas ngayon sa self service. Noong isang linggo kasi may staff na naglagay ng gas. Madali lang naman din ang instructions. Una, hahawak ka dun sa isang parang rubber sheet para mawala ang static electricity sa kamay mo. Tapos, ilalagay mo ang pera sa machine. Papipiliin ka kung Hi-Oct (octane?) o regular ang ipalalagay mo at kung full tank ba o ikaw ang magsasabi ng amount. Pinili ko na regular at full tank. Tapos, bubuksan mo na ang tank at ilalagay ang nozzle. Pipisain mo ang nozzle at lalagyan na ng gasoline. Pag full tank na, parang tatadyak yung nozzle na ang ibig sabihn ay ihinto mo na ang pagpisa. Ayan, full tank na ulit. Sana konti lang mabawas this week.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
hello!I'm sharon. i just stumbled upon your blog when i searched for Filipinos in Mie in the net. kararating ko lang from the Philippines kahapon. I'm a monbusho scholar at dito ako naka-enroll sa Mie University. i hope i can get in touch with our kababayans here. i don't have a mobile phone yet. please contact me at this email: shachi1030@yahoo.com. thanks a lot in advance.
Post a Comment