Wednesday, October 10, 2007

最高のプレゼント

 プレゼントをあげるとき多くの人が困っている。プレゼントを上げる相手はどんなものが好きかわからない場合が普通だ。特に、異性の相手にプレゼントを決めるのは大変だと思う。
 とても親しいな相手なら、どんなプレゼントでもいいじゃないか?きっと喜んでもらってくれると思う。私はプレゼントについて聞かれたら、全く違うのことを答える。
 僕が考えているのは人に教えることだ。服とか、食べ物とか、他のものも時間が経つと、なくなってしまうけれど、相手に教えたことはたぶん人生に忘れられないだろう?相手がその教えたことをするとき、教えてくれた人の事をきっと思い出すと信じている。
 例えば、僕の小2のとき、アンディさんが祈り方を教えてくれた。大学生のとき、親友がひらがなを教えてくれた。山形にいるとき、友達のなっちゃんがピアノを教えてくれた。最近、友達のキヨ君がケーキの作り方を教えてくれた。
 人生の中にいろいろな経験があると思うけど、一番印象が残るのは誰かと一緒にやってみたことだと強く信じている。

Wednesday, October 03, 2007

Free Counselling

May kaibigan ako na lumapit sa akin at humingi ng payo tungkol sa pinoproblema niya ngayon. At malamang sa hindi, alam nating lahat kung ano ang problema niya-LOVE (pag-ibig). Itago na lang natin siya sa pangalang Emerald (promise, hindi ko itatago sa pangalang Terrence ang BF niya). Meron na ring ilang taon na magkarelasyon sila ng BF niya. Through thick and thin 'ika ga. OK naman ang pagsasamahan nila pero nito raw mga nakaraang buwan at naging puro di pagkakaunawaan ang nangyayari sa kanila. Madalas na nauuwi sa sigawan at wala nang magawa si Emerald kundi ang tumahimik at huwag na lang tapatan ang inis ng BF niya.

Sabi ko, lahat naman siguro ng magkarelasyon nagkakaroon ng di pagkakaunawaan. Pasasaan ba't magkakabati na rin kayo. Pero iba raw ngayon kasi napapadalas na. Lagi na lang katuwiran ng BF niya ay pagod ito sa trabaho kaya madaling mainis.

These frequent quarrels began to take its (their?) toll. Nagiging burden na raw sa kanilang pareho. Di ko lang sure kung burden ang pag-aaway o ang relationship mismo. Nahihiya akong magtanong dahil ayokong marinig ang ikinatatakot kong sagot.

Well, ang counselling na ito ay nakapagpaalala sa akin sa mga nangyari mismo sa akin noon. Meron din taong malapit sa akin na sobra kaming close-so close to the point na noong di na rin kami nagkakasundo, naging burden na hanggang sa di na kinaya ng friendship, ayun nauwi sa hostility. Matagal na panahon ko rin dinala sa dibdib ko iyon. Lagi kong itinatanong sa sarili ko kung anong kasalanan ang nagawa ko para mabalewala ang good times na pinagsamahan namin. Ilang panahon ding pinag-isipan ko ang sagot-o baka ilang panahon ding iniwasan kong tanggapin ang sagot na alam ko na pala sa umpisa pa lang. Medyo matalinhaga pero ganun talaga. Hanggang sa paglipas na nga ng panahon, natanggap ko na na wala nang pag-asa for a reconciliation. Di biro-biro ang pinagdaanan kong ganun.

Naging OK din naman na para sa akin ang lahat. Mukhang OK na rin naman sa estranged friend ko. Mukhang OK na to the point na kahit huwag nang magkaayos eh tutuloy pa rin ang buhay.

Yan din sana ang gusto kong ipayo sa friend kong namomroblema ngayon.-Na kung burden na para sa kanilang dalawa ay dapat i-give up na, i-let go na. Sabi nga nila, kung mahal mo ang isang tao, set him or set her free. Kung bumalik eh di masaya. Kung hindi eh, at least hindi na hahaba ang kalbaryo ninyong dalawa. Pero hindi ko rin naman masabi na ganun ang gawin niya kasi ako mismo napagdaanan ang pain ng ganun. Kaibigan ko pa nga lang , ganun na kahirap. Paano pa kaya kung karelasyon mo na talaga?

Sasamahan ko na rin ng payong magdasal at hilingin sa Itaas na gabayan Niya ang friend ko. Kaya naman niya yun, kasi ako nga nakaya ko eh.