O Diyos, ilawit Mo sa akin ang Iyong tulong.
- O Panginoon, madali Ka sa pagsaklolo sa akin.
Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo.
- Kapara nang sa unang-una, ngayon at magpakailanman at magpasawalang hanggan. Amen. Aleluya.
(Awit)
Salmo
Antipona 1:
Ang daan Mo, Panginoon, ay tunay na daang banal,
at wala nang ibang diyos na sa Iyo'y ipapantay.
Sa Diyos ako ay tumawag, at dumaing nang malakas,
Ganoon ang aking daing upang ako'y dinggin agad.
Hinanap ko'y Panginoon sa panahong may bagabag,
Hindi ako napagod, dumalangin na magdamag,
Ngunit 'di ko nasumpungan ang aliw kong hinahangad.
Nagunita ko ang Diyos, kaya ako ay dumaing,
Ako'y nagdidili-dili ngunit ako'y bigo pa rin.
Hindi ako patulugin, waring ito ay parusa,
Hindi ako makaimik, pagkat ako ay balisa.
Nagbalik sa gunita ko ang nagdaang mga araw,
Nanariwa sa isip ko ang panahong nakaraan;
Ako'y nagbubulay-bulay sa silid ko gabi-gabi,
Ang diwa ko ay gising at tinatanong ang sarili:
"Ako baga, Panginoo'y lubusan Mong itatakwil?
'Di Mo na ba ibabalik sa akin ang Iyong pagtingin?
Ang Iyo bang pagmamahal sa amin ay nagwakas na?
Hindi na ba maaaring sa pangako Mo'y umasa?
Yaong kagandahang-loob Mo ba ay nakalimutan Mo na?
Dahilan sa Iyong galit, ang awa Mo'y wala na ba?"
Ganito ang aking sabi: "Ang sakit ng aking loob,
Para bagang mahina na't walang lakas ang aking Diyos."
Kaya aking babalikang gunitain ang ginawa,
Ang maraming ginawa Mong tunay na kahanga-hanga.
Sa lahat ng ginawa Mo, ako'y magbubulay-bulay,
Magbubulay-bulay ako, sa diwa ko at isipan.
Ang daan mo, Panginoon, ay tunay na daang banal,
At wala nang ibang diyos na sa Iyo'y ipapantay.
Ikaw ang Diyos na ang gawa'y tunay na kahanga-hanga,
Iyang kadakilaan Mo'y nahayag na sa nilikha.
Dahilan sa Iyong lakas, mga hirang Mo'y natubos,
Ang lahat ng mga angkan ni Jose at ni Jacob.
Noong Ikaw ay makita ng maraming mga tubig,
Pati yaong kalaliman ay natakot at nanginig.
Magmula sa mga ulap mga ulan ay bumuhos,
At mula sa papawirin, nanggaling ang mga kulog
Na katulad ay palasong sumisibat sa palibot.
Dagundong na gumugulong ang ingay na idinulot,
Ang guhit ng mga kidlat ay tanglaw sa sansinukob;
Pati mundo ay nayanig na para bang natatakot.
Ang landas Mong dinaraana'y malawak na karagatan,
Ang daan Mong tinatahak ay dagat na kalawakan;
Ngunit walang makakita ng bakas Mong iniiwan.
Ikaw, O Diyos, ang nanguna sa bayan Mong parang kawan,
Si Moises at si Aaron yaong Iyong naging kamay!

- Kapara nang sa unang-una, ngayon at magpakailanman at magpasawalang hanggan. Amen.
Antipona 2:
My heart leaps up with joy to the Lord, for he humbles only to exalt us.
Pinupuri kita, Panginoon,
Dahil sa Iyong kaloob sa akin.
Aking mga kaaway, ngayo'y aking pinagtatawanan,
Sapagkat iniligtas Mo ako sa lubos na kahihiyan.
Ang Panginoon lamang ang banal.
Wala Siyang katulad,
Walang ibang tagapagtanggol liban sa ating Diyos.
Walang maaaring magyabang sa Iyo, Panginoon,
Walang maaaring maghambog,
Sapagkat alam Mo ang lahat ng bagay,
Ikaw ang hahatol sa lahat ng ginagawa ng tao.
Ginapi Mo ang mga makapangyarihan,
At pinapalakas Ninyo ang mahihina.
Kaya't ang dating mayayaman ay nagpapaupa para may makain.
Masagana ngayon ang dating maralita.
Nagsilang ng pito ang dating baog,
At ang maraming anak ngayo'y nalulungkot.
Ikaw, O Panginoon, ang may kapangyarihang magbigay o bumawi ng buhay.
Maaari Mo kaming itapon sa daigdig ng mga patay,
At maaari ring buhayin muli.
Maaari Mo kaming payamanin o paghirapin,
Maaari ring ibaba o itaas.
Mapapadakila Mo kahit ang pinakaaba,
Mahahango sa kahirapan kahit ang pinakadukha.
Maihahanay Mo sila sa mga maharlika,
Mabibigyan ng karangalan kahit na ang mga hampaslupa.
Hawak Mo ang langit na nilikha,
At sa Iyo nasasalig ang lahat ng Iyong gawa.
"Papatnubayan Mo ang tapat sa Iyo,
Ngunit ang masasama ay isasadlak sa karimlan.
Walang sinumang magtatagumpay sa sariling lakas.
Lahat ng lumalaban sa Iyo ay manginginig sa takot;
Kapag pinapadagundong Mo ang mga kulog.
Hahatulan Mo ang buong daigdig,
At pagtatagumpayin ang hinirang Mong hari.

Antipona 3:
Ang Panginoon ay naghahari, magalak ang buong mundo!

Magsaya nama't magdiwang, lahat kayong mga pulo!
Ang paligid Niya'y ulap na puno ng kadiliman,
Kaharian Niya'y matuwid at salig sa katarungan.
Sa unahan Niya'y apoy, patuloy na nag-aalab,
Sinusunog ang kaaway sa matindi nitong ningas.
Yaong mga kidlat Niyang tumatanglaw sa daigdig,
Kapag iyon ay namasdan, ang lahat ay nanginginig.
Itong mga kabundukan ay madaling nalulusaw,
Sa presensya ng Panginoon, Diyos ng sandaigdigan.
Sa langit ay nahahayag nga ang Kanyang katuwiran,
Sa lupa ay makikita ang Kanyang kadakilaan.
Lahat silang sumasamba sa kanilang diyus-diyosan,
Mahihiya sa kanilang paghahambog na mainam.
Mga diyos nilang ito ay yuyuko sa Maykapal.
Nagagalak itong Zion, mamamaya'y nagsasaya,
Nagagalak ang lahat ng mga lunsod nitong Juda,
Dahilan sa wastong hatol yaong gawad na parusa.
Ikaw, Panginoon, ay Dakila at Hari ng buong lupa,
Dakila Ka sa alinmang mga diyos na ginawa.
Mahal ng Panginoon ang lahat ng namumuhi sa masama,
Siya ang nag-iingat sa buhay ng mga lingkod Niya;
Sa kamay ng mga buktot, tiyak na ililigtas Niya.
Sa tapat ang pamumuhay ay sisinag ang liwayway,
Sa dalisay namang puso maghahari'y kagalakan.
Kayong mga matuwid, sa Panginoon ay magalak,
Sa banal Niyang Pangalan kayo'y magpasalamat.

Pagbasa (Karunungan 7:13-14)
Walang pag-iimbot na nag-aral ako sa Karunungan;
At ngayon ay malugod kong ibinabahagi sa iba ang aking natutunan.
Hindi mauubos ninuman ang yaman ng Karunungan.
Angkinin ninyo iyan at mapapalapit kayo sa Diyos;
Ikinalulugod Niya ang matuto kayo sa Karunungan.
Tugunan
Let the peoples proclaim the wisdom of the saints.
– Let the peoples proclaim the wisdom of the saints.
With joyful praise let the Church tell forth
– the wisdom of the saints.
Glory to the Father, and to the Son, and to the Holy Spirit,

AWIT NI ZACARIA
Antipona:
Those who are learned will be as radiant as the sky in all its beauty; those who instruct the people in goodness will shine like the stars for all eternity.
Purihin ang Panginoong Diyos ng Israel!
Tinulungan niya at pinalaya ang kanyang bayan.
Nagsugo siya sa atin ng isang makapangyarihang Tagapagligtas,
mula sa angkan ni David na kanyang lingkod.
Ito'y ayon sa ipinangako niya noong una sa pamamagitan ng kanyang mga banal na propeta,
na ililigtas niya tayo mula sa ating mga kaaway,
mula sa kamay ng lahat ng napopoot sa atin.
Ipinangako niyang kahahabagan ang ating mga ninuno,
at aalalahanin ang kanyang banal na tipan.
Ipinangako niya sa ating ninunong si Abraham,
na ililigtas niya tayo sa ating mga kaaway,
upang tayo'y makapaglingkod sa kanya nang walang takot,
at maging banal at matuwid sa kanyang paningin habang tayo'y nabubuhay.
Ikaw, anak ko, ay tatawaging propeta ng Kataas-taasang Diyos;
sapagkat mauuna ka sa Panginoon upang ihanda ang kanyang daraanan,
at upang ipaalam sa kanyang bayan ang kanilang kaligtasan,
ang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan.
Mapagmahal at mahabagin ang ating Diyos.
Magbubukang-liwayway na sa atin ang araw ng kaligtasan.
Tatanglawan niya ang mga nasa kadiliman at nasa lilim ng kamatayan,
at papatnubayan tayo sa daan ng kapayapaan.

(Panalangin ng Bayan)
Christ is the Good Shepherd who laid down his life for his sheep. Let us praise and thank him as we pray:
– Nourish your people, Lord.
Christ, you decided to show your merciful love through your holy shepherds,
let your mercy always reach us through them.
– Nourish your people, Lord.
Through your vicars you continue to perform the ministry of shepherd of souls,
direct us always through our leaders.
– Nourish your people, Lord.
Through your holy ones, the leaders of your people, you served as physician of our bodies and our spirits,
continue to fulfill your ministry of life and holiness in us.
– Nourish your people, Lord.
You taught your flock through the prudence and love of your saints,
grant us continual growth in holiness under the direction of our pastors.
– Nourish your people, Lord.
Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos ipahayag natin nang lakas-loob ang panalanging itinuro sa atin ng Panginoon.
Ama Namin, sumasalangit Ka
Sambahin ang Ngalan Mo,
Mapasaamin ang Kaharian Mo,
Sundin ang loob Mo,
Dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan Mo kami ngayon
Ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin Mo kami sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad namin
Sa mga nagkakasala sa amin.
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya Mo kami sa lahat ng masama.
(Pangwakas na Panalangin)
Almighty ever-living God,
who gave Saint Anthony of Padua to your people
as an outstanding preacher and an intercessor in their need,
grant that, with his assistance,
as we follow the teachings of the Christian life,
we may know your help in every trial.
Through our Lord Jesus Christ, your Son,
who lives and reigns with you in the unity of the Holy Spirit,
one God, for ever and ever.
– Amen.
Pagbabasbas
Pagpalain nawa tayo ng makapangyarihang Diyos, iligtas sa lahat ng kasamaan at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.
- Amen.